Hindi ko tatalikuran
Ang wikang kinagisnan,
Bansang sinilangan
'Di kakalimutan kailanman.
Ipagmamalaki ang aking wika
Pati na rin ang aking bansa,
Nagkakaisa sa isang wika
Kahit marami itong uri at iba-iba.
WIKANG FILIPINO AY PANGALAGAAN.. PAGMAMAHAL SA BANSA ANG KAILANGAN..
Isang simpleng estudyanteng wika ay ipinagmamalaki.. Bansang kinagisnan ay hindi tatalikuran.. Wikang Ingles ay gagamitin lamang kung kinakailangan..
Lunes, Enero 14, 2013
Linggo, Enero 13, 2013
WIKANG IBA - IBA , NGUNIT NAGKAKAISA ..
Ito naman ang isa sa mga dahilan kung bakit kailangan nating mahalin at ipagmalaki ang ating sariling wika dahil kahit may iba't - ibang wika sa bansang Pilipinas, nagkakaisa pa rin tayo sa wikang Filipino. Halimbawa nalang ng kantang ito, Ilocano ang kanta ngunit may ibig sabihin at kaya itong ilapat sa wikang Filipino upang maitindihan ng lahat.
HALIKA' T SUMAMA NA !
Ito ay isa sa mga dahilan kung bakit dumarayo ang mga dayuhan dito sa ating bansa. Ito rin ang dahilan kung bakit kailangan nating mahalin,pangalagaan, at ipagmalaki ang bansang Pilipinas.
Sabado, Enero 12, 2013
IPAGMALAKI NATIN !!
Ang ating bansang
Pilipinas ay dapat na ipagmalaki, dahil ito ay ang bansang kinagisnan
natin.Mahalin din natin ang wika ng bansang ito na tinatawag na Filipino, nang
maipakita ang pagpapahalaga sa bansa at sa sarili nating wika.
Marami sa ating mga Pilipino ang nakarating na sa ibang bansa at doon na rin nakahanap ng trabaho at kabiyak ng kanilang puso, ngunit bumalik pa rin sila dito sa ating bansa para maipakita na sila ay Pilipino, na ang bansa nila ay Pilipinas at na ang wikang kinagisnan nila ay Wikang Filipino. Meron din naman sa ating mga Pilipino ang pinapahalagahan ang ating bansa sa paraang alam nila ngunit madalas nalang nila gamitin ang wikang Filipino, isang halimbawa nito ay ang pagpunta sa ibang bansa para ipakilala ang bansang Pilipinas para sa kanilang trabaho ngunit hindi na nila ipinapakilala ang wikang ginagamit dito.
Sadyang iba-iba talaga ang ugali ng mga tao. Pero iisa lamang ang alam ko, dapat nating mahalin an gating wikang Filpino at ipagmalaki an gating bansang Pilipinas.

Miyerkules, Enero 9, 2013
Pagmamahal sa Wikang Filipino
Paunlarin ang sariling bansa,
Ipagmalaki ang sariling Wika,
Pagmamahal sa bansa ang ibigay,
Nang ang Wika ay mabuhay..
Wikang Filipino ay ipagmalaki,
'Pagkat ito ang Wika natin,
Hindi ito maipagbibili,
Dahil ito ang pagkakakakilanlan natin..
Maraming Wika ang magagamit,
Bicolano,Ilocano,at marami pa,
Ngunit nagkakasundo sa iisang Wika,
Wikang Filipinong ginagamit pambansa..
Ipagmalaki ang sariling Wika,
Pagmamahal sa bansa ang ibigay,
Nang ang Wika ay mabuhay..
Wikang Filipino ay ipagmalaki,
'Pagkat ito ang Wika natin,
Hindi ito maipagbibili,
Dahil ito ang pagkakakakilanlan natin..
Maraming Wika ang magagamit,
Bicolano,Ilocano,at marami pa,
Ngunit nagkakasundo sa iisang Wika,
Wikang Filipinong ginagamit pambansa..
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)